Ang Bilanggo at Bata

Ang Bilanggo at Bata

Isang dayalogo
Para sa klaseng malikhaing pagsusulat

ImageMagandang umaga ho. Mukhang hindi kayo natulog ngayong gabi. (Napangiti lamang ang bilanggo.) Heto ho at dinala ko ang inyong paboritong agahan: burong isda, piniritong galunggong, longganisang Iloko at binating itlog.  Nagsama na rin po ako ng kapeng Batangas para sa inyo.

Maraming salamat, hijo.  Ilang taon ka na, anak?

Labinlimang taong gulang po.

Bakit ka nandito at nagtatrabaho? Bakit pinagsisilbihan kaming mga preso? Bakit hindi ka nag-aaral?

Naku, wala pong pera ang aking mga magulang para pag-aralin kami.  Nalubog po sa utang ang aking ama mula sa puno ng mga guwardiya, kaya tumutulong po ako para mabayaran ang utang.

Nakakalungkot naman ang iyong sinapit.

Naku, huwag po kayong malungkot para sa akin.  Masayapo ako sa aking ginagawa.  Kung sinu-sino po ang aking nakakasalamuha rito.  Mas marami akong natututunan dito sa loob ng preso kaysa sa paaralan.

(Natawa.)  Ganoon ba?

Opo!  Sa paaralan, kung anu-anong dasal ang pinapasaulo sa amin.  Kaso, nasa Latin ang wika.  Hindi namin maintindihan.

Ngunit paano kayo mapupunta sa langit at maliligtas ang inyong kaluluwa kung hindi kayo magdadasal?

Ang mga marunong lang po bang magLatin ang siyang maliligtas?  Napakalupit namang Diyos na iyan?

Napakatalino mong bata! Tuso! Mag-iingat ka at baka makulong ka tulad namin! (Halakhak.)

Mas mabuti naman po yata ang buhay ng bilanggo kaysa sa mga ibang tao.  Dito, nakakakain kayo nang maayos.  Samantalang ang iba, di man lang makatikim ng tubig dahil sa kakatrabaho.

Tunay na matalas ang iyong mga mata, bata.  Malinaw ang iyong nakikita.  Ang dasal ko’y marami pa ang mamulat tulad mo.

Naku, mauuna na muna po ako sa inyo.  Maghahatid pa po ako nang agahan sa ibang bilanggo.

Sige, marahil kailangan ko na ring maghanda.

Gusto po ba ninyong sindihan ko ang inyong lampara?

Maraming salamat ngunit hindi na kailangan.  Kukunin iyan ng aking pamilya maya-maya.

Paalam po sa inyo.

Paalam din, hijo.

(At pagpatak ng ikapito nang umaga, dinala ang bilanggo sa Bagumbayan upang barilin ng mga guwardiya sibil.)

Ika-28 ng Hunyo 2012 | Arts in Taguig City

Sanggunian. Bilanggo. Nakuha mula sa http://monayap.wordpress.com/2010/09/21/ noong Hulyo 19, 2012.

Advertisements

Tagged: , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: