Isang Umaga sa Kapihan

Isang Umaga sa Kapihan

Umuulan sa bayan
Ang dinig lamang sa labas
Ay ang pagbagsak ng tubig-ulan

Maging ang mga puno’y inaantok
Nagpapadala sa ihip ng hangin

Pumupungas pa ang kusinero
Bagong gising ang serbidora
Napagod at napuyat sa kakaiyak ng sanggol

Mainit na kape’t pandesal ang agahan
Kasama ng diyaryo’t kuwaderno sa unang dasal
Di ko kilala ang ibang tao sa restawran

May matandang mag-asawa
Inihahanda ng babae ang kakainin ng lalaki
Hawak-hawak ng lalaki ang kamay ng babae
Nabulag na sa katandaan

Dalawang babae ang sunod na pumasok
Magara ang mga damit
Nag-iingles. May postura.
Ultimo ang sinangag ay ugat ng kapitalismo, sabi ng isa
Naghahanda para sa kanilang klase

Lalaking nakabarong ang nakaupo sa gilid
Nakabulatlat ang laptop
May kausap sa telepono
Habang nagbabasa sa tablet
Di man ginagalaw ang arrozcaldo
At malamig na ang tsokolate
Isang milyon ang kanyang problema

Payat na babae ang nasa dulo
Malamig na tubig lang ang sa mesa
Nagpupunas ng mukha
Binubura ang kolorete
Pinapahid ang luha sa mata
Naging malalim ang kanyang gabi
Sa kamay ng malupit na tadhana

Di ko kilala ang ibang tao sa restawran
Pare-pareho ang aming sadya
Ang aming hiling
Maging maganda ang dala ng umaga

Ika-2 ng Agosto 2012 | Bahay ng Alumni

Proseso ng Pagsusulat: Umuulan nang magkita kami ni Mika sa isang kapihan sa loob ng UP.  Habang nag-aagahan, nakaramdam ako ng katahimikan sa paligid at nagkainspirasyon upang magsulat.

Sanggunian: Rain on Window. Nakuha mula sa http://jenniferstoddart.blogspot.com/2007_11_01_archive.html noong ika-18 ng Oktubre, 2012.

Advertisements

Tagged: , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: