Taglagas

Taglagas

Image

Gising na aking Sinta
Pababa na ang haring araw
Tatakpan ng mga ulap
Ang mahahabang umaga

Sisipol muli ang hangin
Animo’y humeheleng ina
Para sa pinatutulog na anak
Maamo, malamyos

Tila tinta ng pintor
Ang pagkulay sa matatanaw
Binibigyang-sigla ang lumbay
Pula! Rosas! Kahel at ginto.

Sasayaw ang mga sanga
Ang mga dahon
Isa-isang malalaglag
Kukumutan ang mundo

Kukulimlim
Lalamlam
Ang sugat
Ang kirot

Kalimutan ang melankolya
Ika’y makukubli
Sa init ng aking hininga
At uhaw kong mga labi

Gising na aking Sinta
Sa pagdating ng taglagas
Lulusungin ang kaluluwa
Bubuhayin ang tulog na diwa

Ika-23 ng Enero, 2013 | West Beach, SA

Sanggunian: Autumn. Nakuha mula sa http://www.iandixon.com.au/partnering-and-transitions/autumn-trees-2/ noong Enero 23, 2013.

Advertisements

Tagged: , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: