Bangungot

Bangungot

Para sa kalseng malikhaing pagsusulat

Image

Naglalakad ako, marahil pauwi na mula sa klase.
Nang may mga bubwit na nagsulputan sa lupa.
Maitim at mabalahibo.
Matalas ang pagtitig.  Lumapit.

Nagtaasan ang aking balahibo. Nangatog ang aking tuhod.
Pinagpawisan ako nang malamig.
Nanigas ako mula anit sa ulo hanggang kuko sa paa.
Kinilabutan ako.

At sa nakakabinging sigaw ng katahimikan ng panaginip,
Tumakbo ako sa bilis nang kakayanin ng mga paa ko.
Tatlo. Lima. Pito. Sampu.
Dalawampu.

Dumami ang humahabol. Naglalakihan sila. Palaki nang palaki.
Kasinlaki ng tuta. Ng pusa. Ng aso.
Ng kambing. Ng kabayo.
Pabilis nang pabilis.

Bago ako makarating ng bangin, naabutan nila ako.
Ang huli kong alaala ay ang kanilang mga nanlilisik na mata.
Oo, magpapapayat na ako.

Ika-17 ng Hunyo 2012 | Antipolo, Filipinas

Source: Scary Night. Retrieved from http://www.palmoon.net/1/topic-1563-862.html last 10 February 2013.

Advertisements

Tagged: , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: