Category Archives: Creative Whims

Nothingness

images_se_nothingness_cool

I saw you today.
A glance I stole.

I didn’t speak.
Lost words.
Looking for courage.

You went away.
Not coming back.

I think of you.
Every moment.

I am consumed.

14 August 2013 | Adelaide, SA

Photo c/o Tonia Bonnell.

Bangungot

Bangungot

Para sa kalseng malikhaing pagsusulat

Image

Naglalakad ako, marahil pauwi na mula sa klase.
Nang may mga bubwit na nagsulputan sa lupa.
Maitim at mabalahibo.
Matalas ang pagtitig.  Lumapit.

Nagtaasan ang aking balahibo. Nangatog ang aking tuhod.
Pinagpawisan ako nang malamig.
Nanigas ako mula anit sa ulo hanggang kuko sa paa.
Kinilabutan ako.

At sa nakakabinging sigaw ng katahimikan ng panaginip,
Tumakbo ako sa bilis nang kakayanin ng mga paa ko.
Tatlo. Lima. Pito. Sampu.
Dalawampu.

Dumami ang humahabol. Naglalakihan sila. Palaki nang palaki.
Kasinlaki ng tuta. Ng pusa. Ng aso.
Ng kambing. Ng kabayo.
Pabilis nang pabilis.

Bago ako makarating ng bangin, naabutan nila ako.
Ang huli kong alaala ay ang kanilang mga nanlilisik na mata.
Oo, magpapapayat na ako.

Ika-17 ng Hunyo 2012 | Antipolo, Filipinas

Source: Scary Night. Retrieved from http://www.palmoon.net/1/topic-1563-862.html last 10 February 2013.

Mga Kulay ng Pagtatanghal

Mga Kulay ng Pagtatanghal

Para sa klaseng malikhaing pagsusulat

Image

Sinasabi nila, ako ang panginoon. Sa lahat ng bahagi ng entablado, ako ang bawal hawakan o madumihan.  Lahat ng ilaw na binabato sa akin nang mapaganda ko ang dula.  Makulimlim na pula ang ginamit para sa paghuli at pagpatay kay Edjop.  Dilaw mula sa likod ang pinailaw habang nag-uusap sina Ibarra at Maria Clara.  Bughaw ang buong entablado nang lumilipad ang kuwento ng prinsipe ng mga ibon sa boses ni Lola Basyang.

Tuwing bago magpalabas, magtatago ang direktor sa aking likod kasama ng kanyang sigarilyo.  Ito’y nagmamakaawa na maging maayos ang palabas.  Isa-isang darating ang mga aktor, ibubulong sa akin ang kanilang mga linya nang maibalik ko sa palabas.

Tulad ng mga aktor, gustong gusto ko ang palakpak ng manonood.  Kinikilig ako sa kanilang hagalpak, sa pagpiyok sa katatawa o sa dami ng kanilang luha.  Lagi kong hinihintay ang pagpigil ng hininga sa pagdating na katotohanan at sa paghawak ng kamay ng mga mangingibig tuwing bumibigkas ng tulang galing sa puso.

Ngunit dumating ang araw kung saan di na bumubulong ang mga aktor.  Di na narinig ang mga tawa.  Natuyo ang mga luha.  Wala ng hiningang pipigilin pa.  Dumating ang araw kung saan ang iba na ang mga nagkukuwento (ngunit pareho pa rin ang mga kuwento).

Hindi na kailangan ang entablado, ang mga kurtina at ilaw.  Naiwan ko na lamang kasama ang matandang nagsisigarilyo.

Dumating na ang araw na ako ay kailangang tibagin para sa mas makabagong pagtatanghal.  Ako, ang cyclorama, ay mananatili na lamang sa mga alaala.

Ika-11 ng Hunyo 2012 | Arts in the City, Taguig, Philippines

Sanggunian: Cyclorama. Nakuha mula sa http://www.d.umn.edu/~mharvey/th1501striplights.html noong ika-7 ng Pebrero 2013.

Extraordinary in Young Blood 4

A pleasant gift was given to me when the Philippine Daily Inquirer announced that they were publishing a collection of essays and they included mine from 2009.  I couldn’t attend the launch so I had proxy.Image

The little boy had sumpong presumambly because the event wasn’t about him. Haha! After the event, they went to see his idol!

Image

Going back, check out the press release of the launch.

Image

Read my essay here. It’s just interesting to read one’s essay a few years back.  It gives a fresh perspective on how life happens to each of us.

Grab a copy of the book!

1 February 2013 | Adelaide, SA

Photos courtesy of the fiance.

Taglagas

Taglagas

Image

Gising na aking Sinta
Pababa na ang haring araw
Tatakpan ng mga ulap
Ang mahahabang umaga

Sisipol muli ang hangin
Animo’y humeheleng ina
Para sa pinatutulog na anak
Maamo, malamyos

Tila tinta ng pintor
Ang pagkulay sa matatanaw
Binibigyang-sigla ang lumbay
Pula! Rosas! Kahel at ginto.

Sasayaw ang mga sanga
Ang mga dahon
Isa-isang malalaglag
Kukumutan ang mundo

Kukulimlim
Lalamlam
Ang sugat
Ang kirot

Kalimutan ang melankolya
Ika’y makukubli
Sa init ng aking hininga
At uhaw kong mga labi

Gising na aking Sinta
Sa pagdating ng taglagas
Lulusungin ang kaluluwa
Bubuhayin ang tulog na diwa

Ika-23 ng Enero, 2013 | West Beach, SA

Sanggunian: Autumn. Nakuha mula sa http://www.iandixon.com.au/partnering-and-transitions/autumn-trees-2/ noong Enero 23, 2013.

Kisses

Kisses

How many people have you kissed or have kissed you?
How many people have you touched or have touched your life?
Kisses mean differently with intent and its moment.

A kiss on the forehead from everyone present.
The stranger is welcomed with all smiles.
We got you, little darling, don’t cry.

Tender kisses and touches on the palms.
Elders and siblings, visitations and celebrations,
Of dreams for a bright future

A kiss on the head with a prayer everyday.
As one leaves to go to school or play
That she will be safe and come home at night

Short kisses and loud laughs, jumping and playing catch.
Basking under the morning sun
Of fathers and sons, of mothers and daughters.

A smack, an ewww, of daisies and marbles.
Little children playing adults
Of boys and girls, boys versus girls.

Kisses and hugs of new friendships and shared interests.
Of journeys and trials, sticking through thick and thin
Lasting a lifetime of memories that will forever be etched.

Flying kisses and applause, bravados and handshakes.
Standing ovation, affirmation and confirmation
A job well done.

A kiss on the ring, respect for the king
For Churches and castles, for monarchies and tyranny
Obedience and revolutions, love and fear.

A kiss on the soil after a long voyage
For freedom and inquisition, for justice and retribution
For blood and flag, life and death.

Kisses on statuettes, sampaguitas and rosaries
Flames and wax, transcending through alms
Prayers mumbled and offered to highest heavens.

Soft kisses on the eyes, nose and ears
Long kiss on the lips, neck and breasts
Soul to soul through the night

One last kiss
Tears and wail on the cold limb.
A memory. A goodbye.

11 July 2012 | Flight to Cotabato

Reference: Kiss. Retrieved from http://www.picturesdepot.com/wallpapers/12588/kids+kiss.html last November 23, 2012.

Arayat

Arayat

On my way to North, I pass by a mountain.
In the middle of the vast palayan, there it stood alone.
But not lonely.

I always think of my childhood every time I pass by that mountain.
Those were the days when it was just black or white,
When I didn’t know a bit of life or how dreams are ought to make.
For me, it was just catching butterflies and making kites.

It was the dawn of Easter when I first met you.
You took me out of the church, away from chants and candle lights.
To the fields and under the stars.

Like the angel who took out the Mother’s veil in Salubong,
You discovered me in my youth. In my innocence, in the nothingness.
We made promises to each other that you will wait,
I would seek the end of the rainbow and bring you that pot of gold.

A soft peck on the cheek, a whisper to the heavens,
After twenty years, we would still remember.
To go back to the same fields, to play and eat sugar cane
To count the bulalakaw that came our way.

Fifteen years. You’ve moved on.
Perhaps you were a bit impatient.
Or I was a bit too long.

I have to proceed North, and continue my search.
Yearn. Whisper to that same heaven.
I pass by that mountain and am reminded
What a long journey it still would be.

I go back to my children’s stories
To realize that not all end in happily ever after.

1 August 2012 | North Luzon Expressway

%d bloggers like this: